Petro Gazz diretso sa dalawa

MANILA, Philippines – Mabilis na pinasu­ko ng Petro Gazz ang Iri­ga-Navy, 25-22, 30-28, 25-13, para hablutin ang kanilang ikalawang su­nod na panalo sa Premier Volleyball League Re­in­forced Conference ka­ha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Impresibo ang debut ng bagong Petro Gazz im­port na si Olina Lymareva-Flink na bumanat ng 16 puntos mula sa 12 attacks at apat na aces ka­sama ang 14 digs.

“I only have two practices with this team before this game but I think we already found a con­nection and I hope to play better and better in our next games,” ani Lymareva-Flink na pumalit kay Kadi Kullerkann na nagtamo ng injury.

Nagdagdag si middle blocker Cherry Nunag ng siyam na puntos at may wa­lo si Anastasia Trach, lima si Ranya Mu­sa at apat naman si team captain Stephanie Mercado para sa Gazz Angels.

Umani ng solidong 31 puntos ang Lady Oragons galing kina imports Macy Ubben at Lauren Whyte na nabigong makakuha ng suporta.

Sa men’s division, nag­­­wagi naman ang PL­DT Home Fibr Po­wer Hitters laban sa Philippine Army Tro­opers, 25-15, 25-10, 25-23, para uma­­ngat sa 2-2 baraha.

Nagsumite sina Mark Alfafara at Johnvic De Guz­man ng tig-11 puntos para sa Power Hitters na may 41-24 bentahe sa attacks.

Bumagsak sa 1-3 ang Troo­pers.

Show comments