^

PM Sports

Liderato asinta ng PayMaya laban sa BanKo-Perlas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng PayMaya na masolo ang liderato sa kanilang pakikipagtipan sa BanKo-Perlas nga-yong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng High Flyers at Perlas Spikers sa alas-4 ng hapon habang masisilayan din ang salpukan ng Petro Gazz at Iriga-Navy sa alas-2.

Nakatali ang PayMaya sa three-way tie sa unahan ng standings kasalo ang Creamline at BaliPure-National University tangan ang pare-parehong 3-1 marka.

Matikas ang ratsada ng High Flyers na galing sa 25-23, 22-25, 25-20, 25-23 panalo sa Lady Oragons noong nakaraang linggo.

Malakas na puwersa ang manggagaling kay American import Tess Nicole Rountree na umiskor ng 24 puntos sa kanilang huling laro habang suportado ito nina Shelby Sullivan at Aiko Urdas na may tig-11 markers.

Maganda rin ang kontribusyon nina Far Eastern University standouts Jerilli Malabanan at Celine Domingo na parating nakahanda sa oras na hugutin ang mga ito sa bench ni PayMaya mentor Roger Gorayeb.

Doble ingat ang gagawin ng High Flyers dahil gi-gil na makabalik sa porma ang Perlas Spikers na may four-game losing skid.

Huling nakatikim ng kabiguan ang BanKo noong Miyerkules nang magtamo ito ng 22-25, 22-25, 25-22, 30-32 desisyon sa batang koponan ng BaliPure-NU para mahulog sa 1-4 baraha.

Mataas naman ang laro nina imports Jutarat Montripila at Lakia Bright na may pinagsamang 33 puntos kontra sa Water Defenders ngunit malaking kawalan ang presensiya ng local players.

Kaya naman kailangang kumayod ng husto nina team captain Sue Roces, Dzi Gervacio, Joy Dacoron at Amy Ahomiro para bigyan ng sapat na suporta ang kanilang imports.

Kailangan din ng magandang koneksiyon nina Gizelle Tan at Ella De Jesus, na salitan sa tungkulin bilang libero, sa kanilang playmakers na sina Jem Ferrer at Fenela Emnas.

Sa men’s division, magtatagpo ang PLDT (1-2) at Philippine Army (1-2) sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with