Troy Rosario at Roger Pogoy
Rosario, Pogoy naghahanda na para sa FIBA 3x3
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi matutulungan nina Roger Pogoy at Troy Rosario ang kani-kanilang mga koponan para sa susunod na leg ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) All Star Weekend.

Ito ay bunsod ng pag-eensayo nila para sa nalalapit na 2018 International Basketball Federation (FIBA) 3x3 World Cup na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan mula Hunyo 8-12.

Kasama nina Rosario at Pogoy sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle na lalaban para sa bayan kontra sa mga darayong international 3x3 teams dito sa bansa.

Hindi nakapaglaro sina Pogoy at Rosario para sa Smart Gilas All Star kontra sa Mindanao All Stars kagabi sa Digos City, Davao Del Sur na kasaluku-yang naglalaro habang isinusulat ang balitang ito.

Hindi na rin sila makakalaro sa natitirang legs ng All Star bukas sa Batangas City at sa Mayo 27 sa Iloilo City.

Parehong maglalaro ang dalawa sa Smart Gilas All Stars kontra sa Luzon All-Stars at Visayas All-Stars.

Samantala, hindi naman matutulungan ni Joe Devance ang Visayas bunsod ng knee injury.

“I want to apologize for me not being able to make this years Visayas All-star event in Iloilo. I’m saddened that I wont be able to attend due to my injury to my knee,” aniya sa kanyang official social media account.

Ito ang kauna-unahan sa 11 taon na hindi makikibahagi si Devance sa All Star na itinuturing niyang paboritong bahagi ng PBA.

Papalitan siya ni Ronald Tubid sa Team Visayas na pangungunahan ni June Mar Fajardo at head coach Chito Victolero.

ROGER POGOY TROY ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with