^

PM Sports

Ancajas, Sultan galit-galit muna

Pang-masa

LOS ANGELES, Ca. - - Itinapon muna nina IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas at challenger Jonas Sultan ang pagiging magkaibigan.

“Walang kai-kaibigan sa laban, galit-galit muna sila,” sambit ni Joven Jimenez, manager/trainer ni Ancajas.

May LQ (lover’s quarrel) ang deskripsyon ni Edito Villamor, chief trainer ni Sultan, hinggil sa pagkakaibigan ng dalawang boksingero.

“Yes (friends sila) pero ngayon LQ muna,” wika ni Villamor.

Hindi lang ang pagiging magkaibigan ng da-lawa ang naisakripisyo sapul nang magsimulang maghanda para sa kanilang sagupaan sa Sabado, Mayo 26 sa Fresno.

Para kay Sultan, maging ang komunikasyon nila ng asawa at dalawang anak na nasa Zamboanga ay kinakailangang pansamantalang mabawasan kungdi man putulin.

“Mahigit limang buwan na kaming hindi nagkikita,” ani Sultan. “Pero, okay lang, kasi para sa kanila rin naman ung sakripisyong ginagawa ko.”

Nangako rin ang dalawa na anuman ang ma-ging resulta ng kanilang laban ay magpapatuloy ang kanilang pagkakaibigan.

Ang 12-round encounter nina Ancajas at Sultan ay unang pagkakataon makalipas ang 93 taon, na dalawang Pinoy ang magsasagupa para sa isang world championship match.

Taong 1925 unang naganap ang all-Pinoy championship fight sa pagitan nina Pancho Villa at Clever Sencio. VTR

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with