^

PM Sports

Naiyak si Ancajas

Pang-masa

LOS ANGELES, Ca. - Hindi napigilan ni IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas ang mapaluha matapos ang isinagawang “meet & greet” noong Sabado dito na dinumog ng fans na nagnais masilayan nang world champion at challenger na si Jonas Sultan.

Tumanggap ng parangal si Ancajas mula sa Filipino American Community sa Los Angeles bunga ng kanyang kontribusyon sa isport.

At hindi pa rin siya makapaniwalang narating na niya ang kanyang pangarap.

“Dati po nagdadasal lang ako na sana malagay din ang pangalan ko sa history ng boxing sa Pilipinas. Pero heto ngayon nangyari na po,” lahad niya.

Dahil isang linggo na lang bago ang kanyang title defense laban kay Sultan, hindi magpapahinga si Ancajas.

Ayon sa kanyang trainer, wala silang aaksayahing oras kaya kahit araw ng Linggo ay mag-eensayo pa rin sila. Kinabukasan ng Lunes ay tutungo na sila sa Fresno (lugar ng sagupaan).

“Ensayo kami bukas (Sunday), light light lang,” ani Jimenez.

Samantala, dalawang dating world champion ang tinalo ni Jonas Sultan dahilan para marating ang pagiging top contender sa korona ni IBF superflyweight champion Ancajas.

Biniktima ni Sultan, 26 anyos na tubong Zamboanga del Norte, sina former WBC flyweight holder Sonny Boy Jaro (via 8th round knockout) at Johnriel Casimero na dating IBF flyweight king noong nakaraang taon.

At ngayong world cham­­pion muli ang kanyang makakaharap, hindi na masosorpresa si Edito “Ala” Villamor kung muling makasilat si Sultan.

“Walang respeto si Jonas sa mga world champion, ‘yun ‘yung attitude niya,” litanya ni Villamor, trainer ni Sultan. “Nung laban kay Casimero, walang naniwala. Kami rin e. ‘Yung game plan namin paatrasin si Casimero kasi he’s more as a pressure fighter.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with