Gilas nasibak sa FilOil Pre-Season
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tuluyan nang na­si­bak sa kon­ten­­syon ang Gi­las cadets matapos ang 81-86 kabi­guan sa Na­tional Univers­i­ty sa mabigat na 20­18 Chooks-To-Go FilOil Flying V Pre-sea­­son Pre­mier Cup sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kama­kalawa ng gabi.

Ito na ang pang-li­mang kabiguan ng Gilas cadets sa anim na sa­lang upang tuluyang ma­maalam sa kampanya sa kauna-unahang torne­ong sinalihan bilang ba­hagi ng paghahanda pa­ra sa International Basketball Federation (FIBA) World Cup na gaganapin dito sa bansa sa 2023.

Binuo noong naka­raang buwan ng mga pi­nakamagagaling na col­legiate at amateur pla­yers sa bansa, litaw ang kakulangan ng ka­ra­nasan ng Gilas cadets sa buong torneo at kahit pa sa bagito ring kopo­nan ng Bulldogs na binabanderahan din ng mga incoming rookies at recruits.

Nahirapan ang Gilas cadets sa unang tatlong quarters na makipagsabayan sa Bulldogs.

Kumaripas ang Gi­las pool sa fourth period nang magpakawala ng 11-0 run upang ma­ka­pagtayo ng 77-72 ben­tahe higit sa tatlong mi­nuto pa sa orasan.

Ngunit tulad ng mga nakaraang pagkatalo ay hindi ulit naprotektahan ng Gilas cadets ang lamang nang bumalikwas ang NU sa sarili nitong 11-0 bomba para aga­wing muli ang driver seat, 83-77 sa mga hu­ling segundo tungo sa malaking panalo.

Nanguna sa atake ng Bulldogs si John Lloyd Clemente na nagsalpak ng pang-selyong jumper sa huling 12 segundo para sa 85-79 lamang ng Bulldogs.

Nagtapos siya na may game-high na 23 puntos sahog pa ang pitong rebounds.

Bunsod nito, uma­ngat sa 2-3 ang kartada ng NU.

FILOIL PRE-SEASON GI­LAS CADETS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with