Barriga sa title eliminator

MANILA, Philippines – Bilang isang nagsi­simula pa lamang na pro­fessional fighter ay na­bigyan kaagad si Filipino Olympian Mark Bar­riga ng pagkakataong makalaban sa isang world title.

Sasagupain ni Barri­ga si Gabriel Mendoza ng Columbia sa isang title eli­minator ngayon sa SM Skydome sa Quezon Ci­ty.

Bitbit ng 24-anyos na si Barriga ang kanyang malinis na 8-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang isang knockout, habang taglay ng 38-anyos na si Mendoza ang 29-5-2 tampok ang 23 KOs.

Kung mananalo kay Men­doza sa kanilang 12-round fight ay ma­gi­ging mandatory chal­len­ger si Barriga kontra kay International Bo­xing Federation mi­ni­mumweight champion Hi­­roto Kyoguchi ng Ja­pan.

Nauna nang na­ging kinatawan ng bansa si Barriga noong 2012 Olympic Games sa London.

Samantala, lalaban din sa nasabing bo­xing card si dating Pinoy world champion Marvin Sonsona  at sina dating world title challengers Ge­nesis Servania at AJ Ba­nal.

Show comments