Western Visayas nagtakbo ng 4 golds
Tagbilaran, Bohol— Humakot ang Western Visayas ng apat na gold at tatlong silver medals sa athletics at namayani ang Zamboanga City sa weightlifting sa 2018 National PRISAA Games kahapon dito sa Carlos P. Garcia Sports Complex.
Dinomina ni Jose Jerry Belebestre ang men’s long jump sa kanyang 7.06 meters, habang nanalo si Michael Mana-ay sa men’s 110m hurdles sa bilis na 14.47 segundo.
Nagdagdag naman si Ara Rhabea Delotayo ng ginto sa secondary girls 110m hurdles sa kanyang tiyempong 16.56 segundo at namayani si Kim Villaruz sa secondary girls’s 3,00m run sa kanyang oras na 11:33.81.
Nagbida naman ang Zamboanga sa weightlifting mula sa mga kabayanihan nina Carlo Soriano (57.5kg), Patricia Nina Gregorio (47.3kg) at Rowel Garcia (55.2kg).
Bukod sa apat na ginto ay nag-ambag ng tig-isang pilak sina Marjorie Basea sa 3,000m run (14:51.00) at Kayla Marie Almalbis sa 100m hurdles (16.66).
Binigyan naman ni Romela Ayuda ang senior overall champion na Central Visaya ng pangalawang ginto mula sa kanyang panalo sa women’s 100m hurdles sa bilis na 15.84 segundo para duplikahin ang panalo ni Melody Perez sa women’s 3,000m run (11:33.81).
Nakasingit naman ng gintong medalya sina Raffy Kalaw ng Rgion IV-A sa men’s 3,000m steeplechase (10:17.43) at Jun Jun Domingo ng Cagayan Valley sa men’s shot put (12.34m).
- Latest