^

PM Sports

Reavis hindi pa kuntento

Pang-masa
Reavis hindi pa kuntento

MANILA, Philippines — Bagama’t wala nang pagsidlan sa kanyang sampung daliri ang suot-suot na sampung sing-sing, hindi kuntento si Rafi Reavis ng Magnolia Hotshots at nais pang dagdagan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Binansagang pinakamatagumpay na manla-laro ngayon ng Philippine Basketball Association bunsod ng 10 kampeonato, determinado ang batikang basketbolista na masungkit ang kaniyang ika-11 titulo.

“Yes, 10 championships and gunning for 11th. Numbers are one thing. But i just want to win. I’m blessed to be here and I will be enjoying this ride,” aniya.

Lumapit si Reavis nang bahagya para sa mis-yong iyon nang silatin ng Magnolia ang nagdedepensang kampeon na San Miguel, 105-103 sa umaatikabong Game One ng kanilang 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven series.

Matapos mabaon ng hanggang 20 puntos, sumandal ang Hotshots sa kanilang numero unong defender ngayong taon upang makumpleto ang comeback na panalo para sa 1-0 abante sa serye.

Ngunit upang mapreserba ang tagumpay ay walang iba kundi ang 40-anyos na si Reavis ang sinandalan ng Hotshots nang supalpalin nito ang panabla sanang buslo ni Arwind Santos kasabay sa pagtunog ng final buzzer.

“We just stuck to our principle, which is defense. We never stop playing defense until the last second of the game,” dagdag ni Reavis sa kanyang koponan na siya ngang numero uno pagdating sa depensa ngayong taon.

May anim na puntos lamang si Reavis ngunit ang presensya niya’y higit pa sa sapat para sa Hotshots. Si Reavis din ang nakaselyo ng rebound sa panlamang sanang tres ni Cabagnot bago ang tira ni Santos.

Tatawid na sa 41 anyos si Reavis sa Hulyo ngunit hindi pa nakikitaan ng pagkabagal at pagtanda. Sa indikasyon ito, maaaring makapag-laro pa siya hanggang sa 50-anyos tulad ng nagawa ni Jaworski. (AD)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with