^

PM Sports

Si leBron James ang naghahari

Pang-masa
Si leBron James ang naghahari

Pa-drive si LeBron James ng Cleveland laban kay Serge Ibaka ng Toronto.

CLEVELAND – Nangunguna sa team standings ang Eastern Conference top team na Toronto Raptors habang nananatili naman ang best player sa Cleveland, Ohio.

Naglaro nang wala ang kanyang limang teammates at head coach, kumolekta si LeBron James ng 35 points, 17 assists at 7 rebounds para banderahan ang Cavaliers sa 132-129 panalo laban sa Raptors.

Hindi naglaro ang limang rotational players ng Cleveland bukod pa kay coach Tyronn Lue na may problema sa kanyang kalusugan.

Muling ipinakita ng three-time champion na si James kung bakit nanatili ang tawag sa kanyang ‘King James’.

“I’ve never seen anything like it,” sabi ni associate coach Larry Drew, ang pumalit kay Lue. “It’s just amazing what he does, night in and night out. How he sustains it is just mind-boggling.”

Kumonekta si James ng tatlong free throws sa huling 7.8 segundo para sa Cavaliers bago nagkaroon ng tsansa si DeMar DeRozan na itabla ang Raptors.

Naimintis naman ni DeRozan ang kanyang tangka sa 3-point line.

Nag-ambag si Kevin Love ng 23 points at 12 rebounds habang umiskor si George Hill ng 22 markers mula sa 10-of-11 fieldgoal shooting para sa Cleveland, tinalo ng Toronto via 34-point win noong Enero.

Pinamunuan ni Kyle Lowry ang Raptors mula sa kanyang 24 points kasunod ang 21 markers ni DeRozan.

Sa New York, humakot si Dwight Howard ng 32 points at franchise-record na 30 rebounds para ma-ging pang-walong player sa league history na tumapos na may 30-30 game at akayin ang Charlotte Hornets sa 111-105 panalo laban sa Brooklyn Nets.

Si Howard ang na-ging unang NBA player na nagtala ng 30-point, 30-rebound game matapos si Kevin Love para sa Minnesota Timberwolves noong Nobyembre 12, 2010.

Siya din ang naging unang player na humakot ng 30-30 game laban sa Nets matapos si Kareem Abdul-Jabbar para sa Los Angeles Lakers noong Pebrero 3, 1978 nang maglista siya ng 37 points at 30 rebounds.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with