^

Punto Mo

Legal suicide

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PAGKARAAN ng 66 taon na maligayang pagsasama, sina Charlie, 87 at Francie Emerick ng Portland, Oregon ay pumanaw ng halos magkasabay noong April 20, 2017. Sila ay namatay ilang minuto pagkatapos painumin ng gamot na nakamamatay. Ang ginawa sa mag-asawa ay sarili nilang kahilingan sa ilalim Death with Dignity Law.

Si Francie ay ilang beses nang inatake sa puso at nagdulot ito ng mahinang puso. Siya ang unang namatay, 15 minuto, pagkatapos painumin ng lethal medication. Si Charlie na may prostate cancer at Parkinson’s disease mula pa noong 2012 ay namatay pagkaraan ng isang oras na pagpanaw ni Francie. Magkahawak-kamay ang mag-asawa nang hinugot nila ang huling hininga.

Ayon sa anak at manugang ng mag-asawa, matagal nang plano ng kanilang magulang ang sabay na pagpapakamatay. Upang maisakatuparan, sila ay lumapit at humingi ng tulong sa grupong End of Life Choices Oregon. Ito ay isang non profit agency na sumusuporta sa mga taong nais gamitin ang Death with Dignity Law.

Sa ilalim ng batas na nabanggit, ang qualified na magsagawa ng legal suicide ay mga adults na matagal nang pinahihirapan ng kanilang sakit. Bibigyan sila ng prescription medication na kanilang iinumin para mamatay. As of February 20, 2017, California, Colorado, District of Columbia, Oregon, Vermont, at Washington ang may ganitong klaseng batas. Sa Montana, ay mas mahigpit dahil kailangan pa ng State Supreme Court ruling para isagawa ang pagpapakamatay.

Base sa Oregon.gov, ang legal suicide ay ipinasa noong 1997 at 1,127 nang pasyente ang nabigyan at uminom ng nakamamatay na gamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with