^

PM Sports

Zark’s-Lyceum hahabol

Pang-masa

MANILA, Philippines — Panatilihing buhay ang pag-asang makapasok sa playoffs ang nais ng Zark’s Burgers-Lyceum sa krusyal na laban  kontra sa tanggal na ngunit delikado pa ring Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developemental League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nag-aagaw buhay sa taglay na 5-4 record katabla ang Wangs Basketball-Letran at Gamboa Coffee-St. Clare sa fifth hanggang seventh place, tangkang solohin ng  Jawbreakers ang fifth place sa alas-2 ng hapong sagupaan nila ng Heavy Bombers na tanggal na sa kontensyon sa 12-koponang liga bunsod ng masaklap na 1-7 baraha.

Nais na duplikahin ng Zark’s ang mahalagang 108-94 tagumpay kontra sa Go For Gold nitong Lunes na siyang  pumatid sa kanilang masakit na tatlong sunod na kabiguan.

Muling tatrangkuhan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 93 Most Valuable Player na si CJ Perez ang atake ng Jawbreakers matapos magtala ng pambihirang all-around na numero laban sa Scratchers.

Kumayod ng 23 puntos, pitong rebounds, apat na assists at 2 steal ang tubong Bautista, Pangasinan na si Perez upang buhayin ang kampanya ng noon ay namomroblema nang Zark’s Lyceum.

Nakahanda namang sumalo sa ibang kargada sina MJ Ayaay at Jaycee Marcelino matapos ang 15 at 11 puntos na ambag noong nakaraang laro gayundin ang Cameroonian import na si Mike Nzeusseu sa inilistang double-double na 21 puntos at 11 rebounds.

Sa kabilang banda, hangad namang mapaganda kahit paano ng JRU ang kanilang kampanya sa tangkang pagsilat sa karibal din sa NCAA na Lyceum.

Aasa ang Heavy Bombers kina Jed Mendoza, MJ Dela Virgen, Paolo Pontejos at Jeckster Apinan.

Samantala sa unang laro sa alas-12 ng tanghali, nais namang pantayan ng Akari-Adamson (7-2) ang Centro Escolar University (8-2) sa kritikal ding laban nito kontra sa University of Perpetual Help System Dalta (3-5).

Nakasiguro na sa playoffs matapos ang 90-71 na panalo kontra sa Wangs Basketball noong nakaraang linggo, misyon din ng Akari na masiguro ang isa sa dalawang silya sa semifinals kung mananalo sila kontra sa Altas ngayon.

Nakasakay naman sa mahalagang 89-81 na panalo laban sa AMA Online Education, tangka ng Altas na mawalis ang nalalabing tatlong laro nito upang magkaroon ng tsansa sa playoffs.

Tangin anim na koponan lamang ang papasok sa susunod na round ng Aspirants’ Cup at ang masuwerteng primer at segundang koponan ay mabibiyaan ng awtomatikong silya sa semi-finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with