Adamson naghari sa UAAP baseball

MANILA, Philippines — Tinapos ng Adamson University ang ka­nilang walong taon na pag­kauhaw sa baseball title, habang pinalawig ng kanilang softball team ang pagdomina sa UAAP Season 80 kaha­pon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Sa likod ni Jerome Yenson, tinalo ng Falcons ang De La Salle Green Batters, 13-6, pa­ra kumpletuhin ang two-game sweep sa baseball Finals.

Pinatumba ng Lady Falcons ang University of Santo Tomas Tigres­ses, 8-5, pa­ra itu­lak sa Game Three ang softball championship series.

Nagtuwang sina pit­cher Lexter Carandang, Boo Barandiaran, Iggy Escaño at season MVP Kiko Gesmundo para ibi­gay sa Green Batters ang 5-0 bentahe.

Pinamunuan naman ni Yenson ang pagba­ngon ng Falcons sa bottom third.

Umiskor ang Adamson ng 14 runs mula sa third hanggang sixth in­ning para sa kanilang nine-run lead at tuluyan nang iwanan ang La Salle.

Ito ang ika-11 baseball crown ng Falcons at ka­una-unahan matapos noong 2009-10 season. FMLumba

Show comments