Pumukol ng tres si Damian Lillard ng Portland laban kay Rodney McGruder ng Miami.
10-straight wins ang Portland
(Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

PORTLAND, Ore-gon – Habang nagpapanalo ang Trail Blazers ay nararapat lamang na maisama ang pangalan ni Damian Lillard sa MVP race.

Kumolekta si Lillard ng 32 points at 10 assists para banderahan ang Portland sa 115-99 tagumpay laban sa Mia-mi Heat at ilista ang kanilang pang-10 sunod na arangkada.

“I don’t know if there is any other player in this league right now that is playing at a higher level than Lillard,’’ sabi ni Fil-American coach Eric Spoelstra ng Heat kay Lillard. “You know the names in the MVP conversation. The way he’s playing right now and winning, he deserves to be in that conversation as well.’’

Nagdagdag si Jusuf Nurkic ng 27 points at 16 rebounds para sa Blazers, may pinakamahabang winning streak ngayon sa NBA at hawak ang two-game lead sa Oklahoma City para sa No. 3 seed sa Western Conference.

Gumamit ang Heat ng 18-2 atake para simulan ang fourth quarter para putulin ang 19-point deficit sa tatlong puntos.

Ngunit pinamunuan ni Lillard ang ratsada ng Blazers para pitasin ang kanilang pang-41-panalo.

Umiskor si Lillard ng 21 points matapos ang halftime at nangunguna sa second-half scoring sa liga.

Pinuri naman ni Lillard si Nurkic.

“That’s the Nurk we need, just a beast, taking his time, scoring on the block, making plays off the block, rebounding the ball, blocking shots,’’ sabi ni Lillard. “I think his presence was really felt on both ends of the floor.

Pinangunahan ni Goran Dragic ang Mia-mi sa kanyang 23 points.

Naglaro ang Heat nang wala sina starting center Hassan Whiteside at sixth man Dwyane Wade.

Sa Oklahoma City, itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-20 triple-double sa season matapos ihatid ang Thunder sa 106-101 panalo laban sa Sacramento Kings.

Tumapos si Westbrook na may 17 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang pang-99 triple-double sa kanyang NBA career.

Nag-ambag sina Paul George at Carmelo Anthony ng tig-21 points para sa pag-akyat ng Oklahoma City sa fourth place sa Western Conference standings.

DAMIAN LILLARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with