Bumawi ang Gilas
(Pang-masa) - February 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naging mapusok ang Japan sa pagbubukas ng first period, ngunit kaagad nakabawi ang Gilas Pilipinas para makabangon mula sa naunang kabiguan.

Pinalubog ng Nationals ang mga Japanese, 89-84, para kunin ang kanilang pangatlong panalo sa apat na laro sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanggaling ang Gilas Pilipinas sa 68-84 pagkatalo sa Australia sa Melbourne habang wala pang panalo ang Japan sa apat na asignatura sa Group B.

Itinala ng Japanese team ang 20-4 kalamangan sa opening quarter hanggang makaresbak ang Nationals sa pagtatayo ng 13-point lead, 37-24 sa second period na kanilang inulit sa 74-61 sa unang dalawang minuto ng final canto.

Nagawa namang makalapit ng Japan sa 84-86 sa hu-ling 31.5 segundo ng labanan, habang muling inilayo ni Jayson Castro ang Gilas Plipinas sa 88-84 mula sa kanyang salaksak sa nalalabing 10.5 segundo. Ang split ni naturalized player Andray Blatche sa nalalabing 5.5 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Nationals.

Samantala, habang lumalaban si June Mar Fajardo sa kasalukuyan para sa tsansa ng Gilas Pilipinas na makabalik sa World Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon, itinuturing na ang 7’2 binatilyong si Kai Sotto, 15-anyos bilang ‘Future of Philippine Basketball.’

Bahagi ang 7’2 na si Sotto ng 23 na batang manlalaro nasa training pool ng Gilas para sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas.

Anim na taon mula ngayon, 34-anyos na ang four-time PBA Most Valuable Player na si Fajardo at marahil ay hindi na kayang dalhin ang bandera ng Gilas. 

Sa panahong iyon, 21-anyos na si Sotto at siguradong hinog na hinog na upang tanggapin ang susi mula kay Fajardo para pangunahan ang atake ng pambansang koponan. 

Sakaling may asim pa si Fajardo sa 2023 at hinog na si Sotto, isang pares ng higante ang lalaban para sa Pinas. ADimasalang

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with