^

PM Sports

Group-2/3 Merged exciting na karera

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalarga ngayon sa ikaapat na karera ang pinaka-exciting sa pitong nagawa ng handicapping office ng San Lazaro Leisure Park.

Ito ay ang pinagsamang Group-2/3 na sinalihan ng anim na de-kalibreng kabayong pangarera na pawang mga stakes campaigner.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Valenzuela na rerendahan ni Rodeo G. Fernandez, Daiquiri Lass na sasakyan ni John Paul A. Guce, Star Belle na dadalhin ni John D. Flores, El Mundo na gagabayan ni Edwin G. Guerra, Eugenie na parerematehin ni Paul John A. Guce at Shoo In na papatungan ni Fernando M. Raquel Jr.

Sa distansiyang 1,300 meters ang labanan at  inaasahan dito ang Shoo In, babaeng apat na taon mula sa Australia ang siyang magiging paborito.

Kakasa rin naman ang limang taong babaeng kastanyo na Daiquiri Lass na galing naman sa USA at lahok ni Emmanuel A. Santos.

Ang locally-bred si El Mundo na isinali ni Emmanuel T. Galang at kinukun­disyon ni E.F. Serrano ay paniguradong lalaban din.

Ang dalawang pawang mga “stayers” o deremate na Star Belle, walong taong babaeng kabayo mula Austraia at Eu­genie, pitong taong kabayo na galing din ng Austalia ang siyang ipinalalagay na magiging matinding mga dehado.

Samantala, walong baguhang kabayo na nabibilang sa edad tatlong taon na nakahanay sa Group-4 ang ilalarga sa mas maagang ikalawang karera.

Ang mga kasali ay kinabibilangan ng Lourdes Drive, Smart Candy, Sheltex Magic, Smell My Tail, Go Marty Go, Special Dream, Sorsogon Bay at Polilio Island.

Ang entry ng Santa Clara Stockfarm na Smart Candy na rerendahan ni Kelvin B. Abobo ang siyang magiging pinakapaborito rito at magiging second favorites naman ang coupled runners Sheltex Magic at Smell My Tail. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with