Brownlee inihatid ang Alab Pilipinas sa tagumpay

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Tanduay-Alab Pilipinas laban sa Indonesia CLS Knights, 92-87, upang ma­­­sungkit ang pang-li­mang panalo sa 2017-2018 ASEAN Basketball League sa GOR CLS Kertajaya Gym sa Surabaya, Indonesia no­ong Sabado ng gabi.

Umiskor si import Justin Brownlee ng 36 points kabilang ang apat na triples para panguna­han ang back-to-back wins ng tropa ni coach Jimmy Alapag at uma­ngat sa pang-apat na puwesto sa 5-4 kartada.

Umiskor si Brownlee ng 18 points para sa 29-18 bentahe.

Dahil naman sa ka­nilang pagkatalo ay la­long nabaon ang Indo­nesian Knights sa 1-7.

Hindi naging magaan ang panalo ng tropa ni  Alapag dahil lumamang pa ang CLS Knights ng tatlong beses, ang una ay sa 42-40, bago na­bawi nina Rico Maierhofer at Brownlee ang ben­tahe para sa 48-44 kalamangan sa first half.

Tumipak din si Brownlee, ang Ginebra re­sident import ng 8 re­bounds, 7 assists at 3 steals ang huli ay nagpa-angat sa Alab sa 69-67 sa third period.

Sa ikalawang pagka­kataon ay dinomina ng Alab Pilipinas ang three-point area sa ka­nilang kabuuang 11 triples  bukod sa 23 assists kumpara sa 19 ng Knights.

Si Puerto Rican im­port Renato Balkman ay nagdagdag ng 17 points na may kasamang 13 rebounds, 2 assists at 2 steals, habang si Bobby Ray Parks, Jr. ay umiskor ng 14 markers kasunod ang 11 points ni Josh Urbiztundo.

Lalong tumibay ang pag-asa ng Alab dahil umakyat sila sa ikaapat na puwesto (5-4) sa li­ku­ran ng nangunguna at nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions (8-1), Chong Son Kung Fu ng China (4-1) at Mono Vampire (7-4).

Ang Saigon Heat ay pang-lima sa 4-3 kasunod ang Singapore Sli­ngers (5-6).

Pinangunahan ni im­port Bryan Williams ang Indonesian Knights mu­la sa kanyang 22 puntos, habang si Dan Kurnia­yawan ay nag-ambag ng 19 markers.

Sa iba pang laro, nakatakas ang Thailand Mono Vampire laban sa Singapore Slingers, 91-88, sa OCBC Arena sa Singapore, habang pinabagsak ng Hong Kong Eas­tern Lions  ang For­mosa Drea­mers, 99-79.

Show comments