Blue Eaglets diretso sa Final Four

MANILA, Philippines — Rumatsada ang Ate­neo de Manila Universi­ty sa third canto upang aga­win ang bentahe sa nagdedepensang Far Eastern University-Diliman at ku­nin ang 68-65 panalo para angkinin ang unang Final Four berth sa UAAP Season 80 juniors’ basketball tournament kahapon sa Fil­oil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagposte ng pinagsamang 15 points sina SJ Belangel at Dave Ildefon­so para pangunahan ang ratsada ng Blue Eaglets sa third quarter at maka­ha­bol mula sa 12-point deficit.

Ito ang ika-10 sunod na panalo ng Ateneo na naglapit sa kanila sa outright finals berth.

Tumipa si Belangel ng game-high na 20 points at nagdagdag si Il­defonso ng 11 markers pa­ra sa Blue Eaglets.

Nagdagdag naman si Kai Sotto ng 16 points, 10 re­bounds at 3 blocks.

Namuno si RJ Abarrientos para sa Baby Ta­maraws, bumagsak sa 5-5 baraha, sa kanyang iti­nalang 16 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals.

Sa unang laro, lalo pang pinahaba ng Natio­nal University ang lo­sing skid ng University of Santo Tomas nang kunin ang 109-75 panalo.

Umiskor si Matthew Manalang ng 25 points pa­ra sa 8-2 baraha ng Bull­pups.

Sa iba pang laro,  na­­ka­­likha ang Adamson Uni­versity ng three-way tie sa ikatlong puwesto ma­­karaang talunin ang Uni­­versity of the East, 72-66, at naitala ng UP Integrated School ang ikat­long panalo nang pataubin ang De La Salle- Zo­bel,  71-69. (FML)

Show comments