Pasaol mananatili pa rin sa UE kahit wala na si coach Derrick
(Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpalit na ng taon ngunit wala pa ring nakukuhang bagong basketball headcoach ang koponan ng University of the East sa UAAP matapos magbitiw ng dati nilang coach na si Derrick Pumaren noong isang taon.

Ayon sa isang insider, hindi minamadali ng pamunuan ng UE ang pagtatalaga ng bagong coach dahil Setyembre pa ang susunod na season at sapat naman ang panahon upang makapaghanda ang kanilang koponan.

Kaugnay nito ay may isang magandang balita naman ang sumalubong sa Red Warriors ngayong bagong taon pagkaraang ihayag ng kanilang ace gunner na si Alvin Pa-saol na maglalaro pa siya sa UE nga-yong taon kahit wala na si Pumaren.

“Mag-stay pa po ako sa UE,” ani Pasaol sa naunang panayam nito na lumabas sa ABS-CBN Sports.

Bago matapos ang nakaraang taon ay umugong ang balitang hindi na lalaro sa susunod na UAAP Season si Pasaol dahil sa ginawang pagbibitiw ni Pumaren.

Mas naging mainit ang usap-usapan matapos na sumali si Pasaol sa nakaraang PBA D-League draft.

Nagbitiw bilang coach si Pumaren na itinuring ng pangalawang ama ni Pasaol noong Nobyembre pagkalipas ng ilang araw matapos ang basketball season.

Nilinaw naman ni Pasaol na su-mali siya sa D-League Draft dahil gusto lamang niyang mas umangat pa ang lebel ng kanyang laro. FML

 

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with