Ex-PBA imports palalakasin ang kampanya ng Alab sa ABL
(Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)

8 p.m.  Alab Pilipinas  vs Malaysia Westports

MANILA, Philippines — Kinuha ng Alab Pilipinas sina PBA imports Henry Walker at Justin Brownlee para maisalba ang nanganganib na kampanya sa ASEAN Basketball League campaign.

Ayon sa mga sources, papalitan nina Walker at Brownlee,  lumaro para sa Blackwater at Brgy. Ginebra sa nakaraang PBA season, ayon sa pagkakasunod para palitan sina Chukwunike Okosa at Ivan Johnson na nagtala ng mga impresibong numero ngunit hindi nagki-click sa Alab side.

Inaasahang magbibi-gay si Alab Chief Executive Officer Charlie Dy ng official announcement anumang araw.

“Yes, its true and Alab will make an official announcement anytime now,” sabi ng source na may kinalaman sa pagkuha sa dalawang imports.

Si Walker, lumaro para sa Boston Celtics, New York Knicks at Miami Heat sa NBA gayundin sa Alaska Aces, NLEX Road Warriors at kamakailan lamang ay sa Blackwater Elite sa PBA, ay pinayagan na ng Blackwater  na lumaro para sa Alab.

Naging available naman si Brownlee, tumulong sa Ginebra sa pagkopo ng ikalawang sunod na PBA Governor’s Cup title para maglaro sa Alab.

Inaasahang darating sina Walker at Brownlee bago ang laro ng Alab kontra sa Westport Malaysia Dragons sa Miyerkules sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang Alab ay may flat 1-3 (win-loss) start kahit maganda ang laro ni Okosa na nag-average ng 24 points, 13. 5 rebounds, two assists, 1.75 steals at 1.5 blocks sa apat na laro gayundin si Johnson na may average na 22.67 points, 10.67 boards, 3.67 dimes, 2.33 steals at 1.33 blocks sa tatlong laro.

Nakapagtatakang hindi lumaro si Johnson sa 78-61 panalo ng Alab kontra sa Formosa Dreamers sa Chinese Taipei onoong Dec. 16.

Sa tingin ng Alab, makakatulong ang pagpapalit nila ng import.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with