ISBB nalo sa SBP Passerelle

MANILA, Philippines — Bigo ang International School for Better Beginnings ng Lucena City na makuha ang titulo sa Small Basketeers Philippines (SBP) ngunit nakabawi sila sa pagkopo ng Passerelle trophy kamakailan sa Luzon Regional Finals ng twin basketball tournaments na inorganisa ng Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center).

Dumaan sa butas ng karayom ang ISBB sa 67-66 panalo kontra sa St. Louis University Laboratory High School ng Baguio City para makopo ang Passerelle crown sa torneong sponsored ng Milo at suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Dinurog naman ng Don Bosco Academy ng Pampanga ang Urdaneta City National High School ng Pangasinan, 71-60 para sa third place.

Ang panalo ng ISBB Passerelle boys’ ay pambawi sa pagkatalo ng kanilang SBP counterparts na lumasap ng 46-36 kabiguan sa Berkeley School ng Baguio sa isa pang title match.

 

Show comments