La Salle kampeon sa UAAP badminton

MANILA, Philippines — Nakopo ng La Salle ang kanilang u­nang women’s title matapos ang walong taon sa 3-2 panalo kontra sa University of the Philippines kahapon sa UAAP Season 80 badminton tournament.

Madaling tinalo ni MVP Nicole Albo si Mary Ann Marañon, 21-10 sa deciding singles upang tulungan ang Lady Shuttlers na ipanalo ang best-of-three series, 2-1 sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ang La Salle na ngayon ang second winningest team sa badminton matapos makopo ang kanilang ikalimang overall title na huli nilang nakuha noong 2009.

Tinalo ni Poca Alcala si Arianne Rivera, 20-22, 18-21 sa opening singles para ilagay ang Lady Maroons sa liderato.

Iginupo ni Iyah Sevilla si Marina Ca­culitan, 20-22, 21-12, 21-18 sa second singles para makatabla ang Lady Shuttlers.

Lumamang uli ang De La Salle sa panalo nina Isay Leonardo at Albo kina Alcala at Jessie Francisco, 21-23, 21-17, 21-16sa unang doubles.

Nanalo naman sina Lea Inlayo at Marañon sina Sevilla at Lindsay Tercias, 21-16, 21-10 sa second doubles na nagbigay ng pag-asa sa UP.

Show comments