Foton puntirya ang top spot sa quarters

MANILA, Philippines - Matapos ang naita-lang come-from-behind victory, muling sasabak ang Foton upang pormal na makopo ang top spot papasok sa quarterfinals ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa Batangas Ci-ty Coliseum.

Makakaharap ng Tornadoes ang Petron Blaze Spikers ngayong alas-7 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng F2 Logistics at Sta. Lucia sa alas-5 ng hapon.

Hindi pa nakakatikim ng pagkatalo matapos ang limang laro, isang panalo na lamang ang kailangan ng Foton para mawalis ang  preli-minaries.

Matapos ang gina-wang pagbalasa sa ka-nilang koponan noong off-season, nagtala ang Tornadoes ng tatlong sunod na panalo upang mamuno sa  Pool B sa first round  na ipinagpa-tuloy nila sa  second round  matapos talu-nin ang Cignal at ang pinakahuli ay ang 19-25, 20-25, 25-18, 25-15, 15-7 panalo kontra sa Generika-Ayala noong Huwebes.

“Things are now getting tough. Everybody is playing hard,” pahayag ni Foton coach Moro Branislav. “In my opi-nion we have to double our effort and correct our mistakes. Petron is a very good team. They are coming off a loss. We have to be prepared because they will surely go for this important victory.”

Inaasahang muling babandera si star player Jaja Santiago para sa Tornadoes kasama sina EJ Laure at Maika Ortiz gayundin sina CJ Rosario, Shang Berte, Nica Guliman at Jen Reyes.

Nasa ilalim ng Foton ang Cignal na may 4-1 kartada.

Umiskor ang HD Spikers ng 11-25, 25-23, 29-27, 26-24 pana-lo noong Huwebes ng gabi.

Itinampok ng Cignal ang anim sa 14 mi-yembro ng national wo-men’s volleyball team.

Matutunghayan ang mga laro ng PSL All-Filipino Cup sa AksiyonTV at sa Sports5.ph. (FMLumba)

Show comments