TNT tropang texters lusot sa floodbuster

MANILA, Philippines - Mula sa unang kabiguan ay sumasakay nga-yon ang Tropang Texters sa apat na sunod na arangkada.

Ibinilang ng TNT Katropa sa kanilang ikaapat na biktima ang Mahindra, 86-84, tampok ang double-double ni import Donte Greene sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumolekta ang NBA veteran na si Greene ng 24 points at 14 rebounds bukod pa sa 3 shotblocks para sa 4-1 record ng Tropang Texters.

Nag-ambag naman si Troy Rosario ng 11 markers, habang may 10 points si point guard Jayson Castro.

Nanggaling ang TNT Katropa sa 126-121 overtime win laban sa NLEX kung saan sila nakaba-ngon mula sa 29-point deficit.

“I told them at the half that this was the time to build, develop your ha-bits,” sabi ni coach Nash Racela. “Today we were able to do that, although there were a lot of mistakes pa rin.”

Nalasap naman ng Mahindra ang kanilang pang-limang kabiguan sa anim na asignatura.

Kinuha ng Tropang Texters ang nine-point lead, 47-38, sa halftime hanggang makadikit ang Floodbuster sa 81-84 agwat sa huling 1:24 minuto ng final canto mula sa basket ni Alex Mallari.

Nagkaroon si Mallari ng pagkakataong maitabla ang Mahindra sa nala-labing 18 segundo kundi lamang niya naimintis ang isang layup.

Isinalpak naman ni Greene ang dalawang free throws para sa 86-81 aban-te ng TNT Katropa sa natitirang apat na segundo.

Pinamunuan ni import Keith Wright ang Floodbuster sa kanyang 26 points.

Show comments