Williams pumirma sa Cleveland

CLEVELAND - Lumagda si veteran guard Deron Williams sa Cavaliers bilang free agent para bigyan ang nagdedepensang NBA champions ng solidong back up point guard.

“Competing for a championship is something that I haven’t had a chance to do,” wika ni Williams.

Si Williams ay isang Olympian at three-time All-Star na hindi pa nakakapaglaro sa NBA Finals.

Maglalaro si Williams para sa Cavaliers mula sa bench bilang backup ni All-Star Kyrie Irving.

Ang pagkakaroon ng katulad ni Williams ay matagal nang hinihiling ni LeBron James para sa puntiryang back-to-back championship ng Cavaliers ngayong season.

Ang kontrata ng 13-year veteran na si Williams ay binili ng Dallas Mavericks noong nakaraang linggo.

 

Show comments