Ramirez ‘di pa handing iwan ang Rizal Complex

MANILA, Philippines - Kung siya ang tatanungin ay mas gusto pa rin ni PSC chairman Butch Ramirez na manatili sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ngunit kung aalukin sila ng Lungsod ng Maynila ng tamang presyo ay hindi magdadalawang-isip si Ramirez na lisanin ang venue at magsakripis-yo para maisakatuparan ang pagtatayo ng isang National Training Center para sa mga elite Filipino athletes.

Sinabi ni Ramirez na nagtakda siya ng personal deadline ng hanggang Ene-ro 30 para magdesisyon kung mananatili o iiwan ang Rizal na pinasinayaan noong 1934 at sumailalim sa limang mamahaling renovations matapos masira noong World War II.

Inaasahang magsusumite ang Maynila ng kanilang alok sa PSC sa Lunes.

“Deep in my heart, I’d like to stay,” wika ni Ramirez. “Under the law, it is the City of Manila that owns the property but the PSC has the right of usage.  If the PSC decides to stay, the City of Manila can’t move us out.  So it’s the PSC’s choice to stay or leave.”

Nilinaw ni Ramirez na walang kinalaman ang PSC sa negosasyon ng Maynila sa isang ‘third party’ na sinasabing nagbi-bid  para bilhin ang 11-hectare Rizal Memo-rial para magtayo ng isang mall.

Show comments