Nag-workout si Manny Pacquiao sa harap ng media.
Pinalakas ni Pacquiao ang kanang kamay
(Pang-masa) - October 30, 2016 - 12:00am

LOS ANGELES – Isa siyang kaliwete, ngunit gagawin ni Manny Pacquiao na pa-ngunahing sandata ang isang right hook sa pagsagupa niya kay WBO welterweight champion Jessie Vargas sa susunod na Linggo.

Sa workout noong Biyernes (US time) sa Wild Card Gym ay ginaya ni Pacquiao ang pamatay na overhand right ni Vargas.

Matapos ito ay nagbalik siya sa southpaw stance at sumuntok ng isang right hook na maaaring maging perpektong counterpunch kung magbubukas ang depensa ni Vargas.

“The right hook looks very good,” sabi ni strength and conditioning coach Justin Fortune matapos ang workout ng Filipino icon.

“After the [Timothy] Bradley fight [in April] where he really wanted to test that right hook, now he’s perfected it,” dagdag pa nito.

Ang nasabing right hook ang magiging sagot sa bantog na overhand right ni Vargas na nagpahilo kina Timothy Bradley at Sadam Ali.

“That (overhand right) is his best weapon,” wika ni chief trainer Freddie Roach kay Vargas.

Ang pagbitaw ng parehong suntok ang maaaring magbukas sa depensa ng Las Vegas-based fighter na magreresulta sa isang countershots sa katawan at ulo.

Ito naman ang sasamantalahin ni Pacquiao.

Si Vargas ay hindi rin kilalang knockout artist dahil sa kanyang kabuuang 27 panalo at 10 lamang ang hindi umabot sa 12 rounds

“Vargas is not a big puncher, and that will be his downfall,” wika ni Fortune.

Tiniyak naman ni Roach na hindi tatamaan ni Vargas si Pacquiao sa gabi ng kanilang bakbakan.

“Too slow,” sabi ng longtime trainer sa Mexican welterweight titlist.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with