1st International Gymnastics Competition

MANILA, Philippines - Itinanghal na overall team champion ang PGAA sa idinaos na 1st International Gymnastics Competition  sa Muntinlupa Sports Center.

Pinangunahan nina Janielyn Buere, Hannah Rosin at Sofia Candelaria  ang pananalasa ng PGAA matapos mamayagpag sa level six ng  WAG open age category.

Tinalo ng PGAA ang Club Gymnastics Club na nakontento sa runner-up finish habang ang Gavrila Gymnastics Club at BSM Lions Gymnastics Club  ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Ang Millennium School of Gymnastics naman ang nanguna sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) matapos talunin ang PGAA  bilang runner-up habang ang BSM Lions Gymnastics Club ang third placer.

Para sa level 5 of 12 and above age group, nanguna si Sophia Jocelle Pupos ng PGAA. Ang level 1 ng 7 and under age group ay pinangunahan ni Arianne Kiel Olbes habang si Naima Uy ang nanguna sa level 2.

Ang champion ng level 3 of 10-11 yrs old event ay si Gabrielle Chavez  matapos talunin si Jezryl Velasco na parehong mula sa PGAA habang si Mino Hayashi ng ISM ang third place.

Show comments