Laoag nakaligtas sa Air Force
Francisco Cagape (Pang-masa) - October 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bumangon ang Laoag sa mahinang simula tungo sa 20-25, 26-24, 25-21, 26-24 panalo kontra sa Philippine Air Force kahapon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sina Grethcel Soltones, ang Open Conference Most Valuable Player, Jema Galanza at  Aiko Urdas ang bumirada para sa Power Smashers na umangat rin sa 2-1 win-loss record habang bumagsak ang Lady Jet Spikers sa 1-2 kartada kasama ang University of the Philippines.

Umani ng 12 kills sa kanyang kabuuang 13 puntos si Soltones, sampu naman ang naiambag ni Wenneth Eulalio, tig-siyam naman sina  Urdas at si setter Chie Saet upang maitala ang kanilang 31 excellent sets.

Pinangunahan ni Jocemer Tapic ang Lady Jet Spikers sa kanyang 18 puntos kabilang ang 14  spikes. Sampu rin ang nagawa ni Joy Cases at si Dell Palomata ay humataw ng tatlong kills at block sa kabuuang sampung puntos.

“Ini-explain ko nga sa kanila na pagdating sa end game lalo na kung fifth set doon tayo medyo agrab-yado kasi ang pag-uusapan natin d’yan ay experience na kaya pilitin nating talunin kaagad,” sabi ni Laoag coach Nes Pamilar.

Sa ibang laro, nagwagi ang Instituto Estetico Manila kontra sa 100 Plus, 25-22, 25-19, 25-23 upang makuha ang solo second spot sa 2nd Spikers’ Turf Reinforced Conference na ginanap sa parehong venue.

Lahat ng 12 manlalaro na ginamit ni coach Ernesto Balubar ay umiskor sa madaliang panalo na umabot lamang ng isang oras at 17 minutes upang makamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo at umangat sa 2-1 kartada.

Pinangunahan ni team captain Edan Canlas ang IEM sa kanyang siyete puntos kabilang na ang anim na attacks habang si high-leaping Michael Zamora ay  kumana rin ng anim na puntos lahat sa spikes para sa kabuuang 43 kill points ng IEM.

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with