Filipino shooters kumolekta ng 56 gold medals sa 2016 Australasia shootfest sa Indonesia
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kabuuang 56 gold medals ang pinaputok ng mga Filipino shoo-ters sa katatapos na Australasia 2016 na idinaos sa Surabaya, Indonesia.

Sina champion shoo-ters Jethro Dionisio at Jeufro “Jag” Lejano ang kumuha ng tig-tatlong gintong medalya, habang ang 50 ay mula naman sa mga team events na nilahukan ng kabu-u-ang 101 miyembro ng Philippine team.

Bukod sa 56 gold medals ay kumuha rin ang grupo ng 15 silver at 7 bronzes sa nasabing four-day tournament na nilahukan ng kabuuang 480 shooters mula sa 20 bansa.

“PPSA and the entire nation is thankful to all the members of the Phi-lippine shooting team. Once again you made all Filipinos proud,” pagmamalaki ni Philippine Practical Shooting Association (PPSA) president Jack Enrile Enrile sa ipinakita ng pambansang koponan.

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with