Mahigpit ang labanan sa Spikers’ Turf

MANILA, Philippines - Posibleng magkaroon ng isang four-way race sa Group A para sa huling dalawang semifinal berths sa papatapos na elimination round ng Spikers’ Turf Season Two-Collegiate Conference.

Tatlong playdates na lamang ang nakalatag na laruin sa torneo at ang reigning NCAA champion Perpetual Help, La Salle, National University at Far Eastern University ay kasalukuyang magka-kabigkis sa Group A sa magkakatulad nilang 3-1 (win-loss) records.

Nakatakdang magharap ang Perpetual Help at National University bukas, habang magtatapat ang La Salle at FEU sa Miyerkules na pawang mga krusyal na laro.

“It will be all about desire,” sabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Kinuha ng Las Piñas-based spikers ang unang tatlong panalo kasama ang 25-20, 25-15, 19-25, 14-25, 15-12 pagtakas sa Green Archers.

Ngunit nabigo naman ang Perpetual Help sa FEU, 23-25, 15-25, 25-20, 21-25 noong nakaraang Sabado.

“Our goal really is to get experience in the V-League that we hope to use in the NCAA where we are hoping to successfully defend our title and I’m happy we’re getting a lot of it here,” wika ni Acaylar. Sa Group B, ang Ateneo ang umabante sa best-of-three semis matapos walisin ang apat na laro.

Ang huling semis seat ay paglalabanan ng UP at UST na may magkaparehong 3-1 karta. (JV)

Show comments