CafeFrance sinibak ang AMA Online

MANILA, Philippines - Nag-init si JK Casino para giyahan ang CafeFrance sa 86-70 panalo upang ganap na ma-eliminate ang   AMA Online Education sa Final Four ng 2016 PBA D-League Foundation Cup na nagpatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahapon.

Bumitaw ng  back-to-back 3-points si Casino na nagpasiklab sa  17-2 run sa end game na nagresulta sa 76-66  kalamangan ng  Bakers.

Isinalansan ni Casino ang 14 sa kanyang  20 puntos sa fourth canto bukod pa sa tig-limang rebounds at assists.

“Alam naman natin na shooter talaga si JK. Sa team naman namin, eve-rybody can shoot and today was JK’s day. Thankful lang kami na na-save niya kaming lahat,” ani coach Egay Macaraya.

Nanguna si Congolese big man Rod Ebondo para  sa CafeFrance na may double-double na  25 puntos at 14 boards at  two blocks kasunod si Carl Bryan Cruz na may  21 puntos at 8 rebounds.

Nanguna naman si Rashawn McCarthy para sa AMA na nalag-lag sa 3-6 panalo-talo sa kanyang 28 puntos, 5 rebounds at 5 assists.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Racal at Tanduay sa second game. (FML)

CAFEFRANCE 86 - Ebondo 25, Cruz 21, Casino 20, Zamar 7, Manlangit 5, Abundo 4, Jeruta 2, Parala 2, Anunciacion 0, Arim 0, Custodio 0, Opiso 0.

AMA 70 - McCarthy 28, Martinez 15, Ortega 8, Jordan 6, Arambulo 4, Jo. Montemayor 4, Asuncion 3, Taganas 2, Belleza 0, Bra-gais 0, Macaranas 0, Je. Montemayor 0.

Quarterscores: 25-20, 45-44, 54-55, 86-70.

Show comments