Pacquiao dapat unahin ang trabaho sa Senado

MANILA, Philippines - Ang trabaho bilang Senador ang dapat pag-ukulan ng pansin ni dating Filipino word eight-division champion Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ni Top Rank Promotions chief executive Bob Arum kay Pacquiao imbes na patulan ang mga pinalulutang na comeback fight niya laban kay Floyd Mayweather, Jr., nagretiro noong Setyembre matapos madup-lika ang 49-0-0 record ni heavyweight legend Rocky Marciano.

“Manny Pacquiao has been elected by the people of the Philippines to be one of their 24 Senators,” sabi ni Arum sa pa-nayam ng BoxingScene.com. “That’s an obligation that he has.”

“And that obligation does not include taking off for six weeks and co-ming to LA and training for a fight,” dagdag pa ng promoter.

Labis na kinondena ang pagiging pinakamaraming absent ni Pacquiao sa kanyang dalawang sunod na termino bilang kinatawan ng Sarangani sa Kongreso. Ito ay dahil sa ibinubuhos niyang panahon sa training camp sa tuwing may laban siya.

Bago paman niya talunin si Timothy Bradley Jr. sa kanilang pangatlong bakbakan noong Abril 9 ay inihayag na ng 37-anyos na si Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa boxing.

Bagama’t isinabit na ang kanyang boxing gloves ay patuloy pa rin ang usap-usapan tungkol sa posibleng rematch nina Pacquiao at Mayweather.

Ibinunyag kamakailan ni Freddie Roach, ang chief trainer ni Pacquiao, ang da-lawang beses na pagbisita ni Mayweather sa kanyang Wild Card Gym sa LA.

Ngunit sinabi ni Roach na hindi nila napag-usapan ni Mayweather, hinamon si UFC superstar Conor McGregor, ang posibleng rematch kay Pacquiao. (RC)

Show comments