Caida dumiretso sa 3-0 marka

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng Cai­da Tile ang kanilang pa­na­nalasa sa eliminasyon ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup matapos talunin ang Wangs Basketball, 110-106, sa San Juan Arena ka­hapon.

Nagtuwang sina Jio­vani Jalalon at Jason Perkins sa final canto para sa ikatlong sunod na panalo ng Tile Masters, nagtayo ng 15-point lead sa Couriers.

Umiskor si Jalalon ng 22 points, habang may 19 si Perkins para sa Caida.

Kumolekta naman si guard Mike Tolomia ng kanyang unang career triple-double matapos ihatid ang Phoenix Petroleum-Far Eastern University sa 114-102 come-from-behind win laban sa AMA Online Education.

Nagtala si Tolomia ng 28 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Accele­rators, nakabangon mula sa 22-point deficit, 49-71, sa third quarter para resbakan ang AMA.

Umiskor si Tolomia ng 22 points sa second half, tampok dito ang isang four-point play na nagbigay sa Phoenix ng 94-92 bentahe laban sa AMA.

Nagdagdag si Roger Po­goy ng 21 points, ha­bang may 18 at 16 mar­kers sina Mac Belo at Ray­­mar Jose, ayon sa pag­­kakasunod, pa­ra sa ika­­lawang sunod na pa­na­­­lo ng Accelerators.

Show comments