Adamson lady batters dumiretso sa ika-63 sunod na panalo
(Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinabagsak ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 10-0 sa apat na innings para iposte ang kanilang pang-63 sunod na panalo sa UAAP Season 78 softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Sa likod ng pagbibida ni Queenie Sabobo sa second inning ay itinala ng five-peat champion na Lady Falcons ang 6-0 bentahe laban sa Tigresses.

Si Sabobo, ang reigning Home Run queen, ay naglista rin ng limang RBIs para pangunahan ang Adamson na nakahugot pa ng solid pitching kay two-time MVP Analie Benjamen.

Samantala, tinakasan ng National University ang Ateneo, 2-1 para sa kanilang 2-0 record habang nilusutan naman ng University of the East ang De La Salle, 4-3 para makapasok sa win column.

Tumabla ang Lady Warriors sa Tigresses sa magkatulad nilang 1-1 karta at nalasap ng Lady Eagles at Lady Archers ang kanilang pangalawang dikit na kabiguan.

ADAMSON UNIVERSITY ANALIE BENJAMEN ANG DE LA SALLE HOME RUN LADY ARCHERS LADY EAGLES LADY FALCONS LADY WARRIORS NATIONAL UNIVERSITY QUEENIE SABOBO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with