Tinitingnan na ni Roach ang pagreretiro ni Manny
(Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakatuon na ang atensyon ni Freddie Roach sa pagreretiro ni Manny Pacquiao.

“I’m really excited about this fight. It’s going to be a great fight,” wika ng seven-time Trainer of the Year sa bakbakan nina Pacquiao at Timothy Bradley.

Ang naturang laban, nakatakda sa April 9 sa Las Vegas, ay hindi nagbibigay ng kasabikan kay Roach kundi dahil ito ang magiging pinakahuling pagkakataon na aakyat sa boxing ring ang kanyang prized fighter.

Unang nagtambal sina Roach at Pacquiao noong 2001 at binuo nila ang pinakamatagumpay na partnership sa professional boxing.

Sinabi ni Pacquiao na magreretiro na siya matapos ang laban kay Bradley para tutukan ang pulitika.

“I’m looking forward to Manny Pacquiao’s retirement fight,” wika ni Roach sa press noong nakaraang press tour.

Magsisimula ang pagsasanay ni Pacquiao para sa laban niya kay Bradley sa susunod na linggo sa pagdating ni Roach sa General Santos City.

Kagaya ng karamihan, nalulungkot din ang celebrated trainer sa pagreretiro ni Pacquiao, ngunit masaya sa paglipat ng eight-division champion sa panibagong hamon sa kanyang buhay.

Paboritong manalo si Pacquiao para sa isang senatorial slot sa Philippine elections sa May.

Sinabi ni Roach na maaari pang mangarap ng mas mataas sa Senador ang 37-anyos na si Pacquiao, isang two-term congressman sa Sarangani, kung magkakaroon ng pagkakataon.

“He can become President of his country,” wika ni Roach.

Ang natamong tagumpay ni Pacquiao sa boxing ring ay mahirap o hindi na malalampasan, ayon sa American trainer.

“I think Manny Pacquiao is the greatest fighter of this decade and of his era. That’s eight world championships. I would never see that in my lifetime again,” sabi ni Roach.

“No one will duplicate that. That stays forever,” dagdag pa nito.

ACIRC ANG BRADLEY FREDDIE ROACH GENERAL SANTOS CITY LAS VEGAS MANNY PACQUIAO PACQUIAO ROACH SINABI TIMOTHY BRADLEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with