Phoenix Petroleum papalit sa Barako Bull
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inaprubahan ng PBA Board kahapon ang pagbebenta ngprangkisa ng Barako Bull sa Phoenix Petroleum na pormal nang tumapos sa ilang bulung-bulungan kaugnay sa kahihinatnan ng koponan.

Sa isang special board meeting ay sinabi ni PBA chairman at acting president at CEO Robert Non ng San Miguel Corp. na ang mga players at coaches na may kontrata pa sa Barako Bull ay tatanggapin ng bagong team owners.

Magiging pormal ang pagbili ng Phoenix sa prangkisa ng Barako Bull, nasa ilalim ng Lina Group of Companies, sa gagawing regular board meeting sa Enero 28 kung saan iimbitahan ang mga team owners ng Mindanao-based oil company.

Unang nagsumite ng aplikasyon ang Phoenix para maging miyembro ng professional league limang taon na ang nakakalipas.

Nauna nang hindi naaprubahan ang pagpasok ng Phoenix sa PBA dahil sa ginagamit ng San Miguel Corp. ang banner ng Petron Blaze.

Ang isang franchise sale ay manga-ngailangan ng two-thirds votes ng mga miyembro ng 12-team local pro league.

Inaasahang ipaparada ng Phoenix sina Willy Wilson, JC Intal, Josh Urbiztondo, Mick Pennisi, Jeric Fortuna, Eman Monfort, Chico Lanete, Rodney Brondial, Mac Baracael at James Forrester.

Ang Energy ay pinamahalaan nina coaches Junel Baculi, Bong Ramos, Rajko Toroman at Koy Banal na pare-parehong nabigong makakuha ng korona.

ANG ANG ENERGY BARAKO BULL BONG RAMOS CHICO LANETE EMAN MONFORT JAMES FORRESTER JERIC FORTUNA JOSH URBIZTONDO JUNEL BACULI SAN MIGUEL CORP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with