Perpetual Altas puntirya ang ‘twice-to-beat’ bonus sa Final 4

MANILA, Philippines – Tatargetin ng Perpe­tual Help ang ‘twice-to-beat’ advantage sa pag­harap sa Letran sa huling elimination round playdate ng 91st NCAA men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nanggaling sa 20-25, 22-25, 17-25 ka­biguan sa reigning champion Emilio Aguinaldo College Gene­rals sa kanilang huling laro, titiyakin ng Altas na ma­sasambot ang inaa­sam na Final Four incentive sa pagsagupa sa Knights ngayong alas-2 ng hapon.

Sakaling manalo ay mag­kakaroon ng pagka­kataon ang Las Piñas-based school na makaganti sa EAC sa isang playoff para sa No. 1 seat sa Final Four.

Magtatabla ang Al­tas at ang Generals sa 8-1 record.

“We just want the twice-to-beat incentive and hopefully get that chance of getting back at them (EAC),” sabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Nabigo rin ang nag­de­depensang Junior Al­tas na mawalis ang elims nang maisuko ang 27-25, 21-25, 21-25, 25-21, 7-15 kabiguan sa Brigadiers.

Kung tatalunin ng Perpetual Help ang Letran ay makukuha nila ang insentibo at ang play­off sa EAC (6-1) pa­ra sa top seeding.

Show comments