Hornacek delikado na sa Phoenix

MANILA, Philippines – Matapos makipagkita nina Robert Sarver at general manager Ryan McDonough sa mga starting players at coaching staff noong Linggo, sinibak ng management ang dalawang assistant coaches na malapit kay head coach Jeff Hornacek, ayon sa sources ng Yahoo Sports.

Sinibak ng Suns si top assistant Mike Longabardi kasama si Jerry Sichting noong Linggo ng gabi at nanganganib din ngayong masibak si Hornacek, ayon sa source.

Tutol si Hornacek sa pagkakasibak ng dalawa ngunit balitang ipagpapatuloy nito ang pagko-coach ng Suns, sabi pa ng source.

Sa pagkawala ng da-lawang assistant coaches, inaasahang aangat sina Earl Watson at Nate Bjorkman. Si Watson ay ang kandidato para maging interim head coach kung papalitan si Hornacek.

 

Show comments