Chua, Tabora tinanghal na Bowlers of the Year
(Pang-masa) - December 28, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napili sina national bowlers Kenneth Chua at Krizziah Tabora bilang 2015 Prima Pasta Bowler of the Year upang banderahan nila ang mga awardees sa ginanap na Team Prima’s annual athletes recognition night kamakailan sa V Corporate Centre sa Makati City.

Ito na ang ikalawang male Bowler of the Year award ng 24-anyos na si Chua, miyembro ng Philippine bowling team, makaraang dominahin ang pitong prestihiyosong bowling tournament nga-yong taon. Nagtala rin siya ng apat na perfect games.

Ang mga torneong pinagwagian ni Chua ngayong taon ay ang PTBA Open Mixed Open Masters, SLETBA Open Masters Champion, Phi-lippine National Open Masters, pumangalawa siya sa World Cup National Finals, SCTBA Open, sa Henrich Cup Open Masters at  TBAM Easter Open Masters.

Sa kabilang banda, nasikwat ni Tabora ang kanyang back-to-back female Bowler of the Year award sa ipinamalas na impresibong performance na kinatampukan ng panalo sa  TBAM Open at bahagi rin siya sa PHL team na naka-bronze sa SEA Games.

BOWLER OF THE YEAR CHUA EASTER OPEN MASTERS HENRICH CUP OPEN MASTERS KENNETH CHUA KRIZZIAH TABORA MAKATI CITY NATIONAL OPEN MASTERS OPEN OPEN MASTERS CHAMPION OPEN MIXED OPEN MASTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with