UAAP juniors football matches kinansela

MANILA, Philippines – Bunga ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa paligid ng Moro Lorenzo Football Field ay napilitan ang UA­AP na kanselahin ang mga juniors football mat­ches kahapon.

Lalabanan sana ng nag­dedepensang Far Eas­tern University-Diliman ang Ateneo De Manila Uni­versity at sasagupain ng De La Salle-Zobel ang University of Santo Tomas na siyang pinakahu­ling araw sa first round.

Kasalukuyang nasa una­han ang Baby Tamaraws sa kanilang 6 points, ha­bang may magkakatulad na 3 points ang Junior Archers at Blue Eaglets ka­sunod ang wala pang pa­nalong Tiger Cubs.

Dahil sa kanselasyon ay inilipat ang mga laro sa Enero 16, 2016 sa Katipunan venue.

Pakakawalan namang muli ang second round ng juniors basketball tournament sa Enero 9 sa Filoil Flying V Arena.

Show comments