Perpetual Help winalis ang Lyceum

MANILA, Philippines – Tinakasan ng Perpe­tual Help ang Lyceum of the Philippines Uni­ver­sity, 25-17, 23-25, 19-25, 25-18, 15-9, para mapanatili ang liderato sa 91st NCAA men’s volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadi­um.

Nagpasabog si Rey Ta­neo, Jr. ng 17 hits, ha­bang nagdagdag sina Ranidean Philippe Abcede at Allan Jay Salaan ng tig-14 points para sa pang-anim na sunod na arangkada ng Altas ka­su­nod ang nagdedepensang Emilio Aguinaldo Generals na may 6-1 baraha.

Nagbida ang tatluhan nina Taneo, Abcede at Tanaan sa huling da­lawang sets matapos ma­kabangon ang Las Pi­ñas-based school sa ka­biguan sa second at third set.

Sa juniors’ action, dinomina ng nagtatanggol sa koronang Perpetual Help ang Lyceum, 25-10, 25-19, 25-17, para sa kanilang 4-0 baraha.

Sa women’s play, ti­nalo ng Perpe­tual Help ang Lyceum, 18-25, 25-20, 25-15, 14-25, 15-11.

Show comments