NU Bullpups winalis ang first round ng 78th UAAP

MANILA, Philippines – Gumamit ang National University ng matin­ding arangkada sa second half para resbakan ang nag­de­depensang Ateneo De Ma­nila University, 73-60, at kumpletuhin ang first round sweep sa UA­AP Sea­son 78 juniors basketball tournament kahapon sa Blue Eagle gym.

Kumolekta si Justine Baltazar ng 18 points, 16 rebounds at 5 blocks, ha­bang may 18 markers din si John Lloyd Cle­mente para sa 7-0 kartada ng Bullpups, bumangon mula sa three-point deficit sa Blue Eaglets sa first half.

Hindi naman nakaiskor si Jolo Mendoza, ang 2014 Finals MVP, sa loob ng 15 minuto bunga ng kan­yang knee injury.

Nalaglag ang Ateneo sa 5-2 katabla ang De La Salle-Zobel, nakalasap ng 66-79 kabiguan sa Adamson University.

Kumamada si EJ Ag­bong ng 20 points at 15 re­bounds para sa Ba­by Falcons (4-3) para ma­kasosyo ang Far Eas­tern Uni­versity-Diliman, ku­mu­ha ng 61-40 panalo sa University of Santo To­mas, sa ikaapat na puwesto.

May 2-5 marka ang Ti­ger Cubs.

Samantala, nakapasok naman ang UP Integrated School sa win column nang kunin ang 104-69 pa­nalo sa University of the East.

Nakatakda ang se­cond round sa Enero 9, 2016.

Show comments