Bakbakan nina Aldo at McGregor itatampok sa UFC 194 ngayon
(Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ito na ang laban na pi­nakahihintay ng mga fans ng mixed martial arts sa buong mundo.

Kapwa pumasa sa ka­nilang weigh-in sina Jo­se Aldo at Conor Mc­Gre­gor kahapon para sa kanilang upakan sa UFC 194 ngayon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang halos isang taon na bangayan ay magtutuos sina Aldo, ang hari ng featherweight division at isa sa ‘best pound for pound’ fighter sa mixed martial arts, at McGregor, ang in­terim titlist, sa isa sa pi­nakamalaking laban sa UFC ngayon.

Dapat sana ay mag­lalaban ang dalawa sa na­karaang UFC 189 no­ong Hulyo kundi lamang nagkaroon ng injury si Aldo sa training.

Dahil dito ay nilaba­nan na lamang ni McGregor si Chad Mendes para kunin ang interim crown.

Ang 29-anyos na si Aldo ay magkakasunod na tinalo ang mga biga­ting sina Mendes, Urijah Faber, Kenny Florian at ex-lightweight titlist Fran­kie Edgar para sa kan­yang legendary 25-1 (win-loss) record.

Kumpiyansa naman ang 27-anyos na si McGregor na tatalunin niya ang Brazilian superstar.

Ang Irishman na tinaguriang “The Notorious” ay nagdadala ng 18-2 record, kasama ang 14 sunod na panalo sa four-year span.

Samantala, itatampok din sa UFC 194 ang pagdedepensa ni Chris Weidman sa kanyang middleweight belt laban kay dating Strikeforce king Luke Rockhold.

ACIRC ALDO ANG ANG IRISHMAN CHAD MENDES CHRIS WEIDMAN CONOR MC GRAND GARDEN ARENA KENNY FLORIAN LAS VEGAS SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with