Patibayan ng puso ang Petron at Foton
(Pang-masa) - December 3, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patibayan na lamang ng puso.

Ito ang magiging labanan sa ‘sudden-death’ Game 3 sa pagitan ng Petron at Foton para sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball championship bukas sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nangako si coach George Pascua na ipapakita ng kanyang Blaze Spikers ang kanilang katapa-ngan sa muling pagharap sa Tornadoes sa naturang inter-club volleyball tournament.

Tinalo ng Foton ang Petron, naghahangad ng ‘three-peat’ sa Game One bago nakatabla ang huli sa Game Two para itulak ang Game Three ng kanilang best-of-three title showdown.

“It all boils down to who will have the desire and the fighting heart to win the crown,” wika ni Pascua na gumiya sa Blaze Spikers sa korona ng Grand Prix at All-Filipino Conference at sa kampanya sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Vietnam noong Setyembre.

“Game 3 is not just an ordinary game. This is where heroes are born. We have to seize the opportunity and unleash all our weapons we have to make sure that we will emerge as the last team standing. Nandito na kami, ilalabas na namin lahat ng dapat ilabas,” dagdag pa nito.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang liga ng Game 3.

ACIRC ALL-FILIPINO CONFERENCE ANG ASIAN WOMEN BLAZE SPIKERS CLUB CHAMPIONSHIP CUNETA ASTRODOME FOTON GAME GAME ONE GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with