Franz Pumaren bagong coach ng Adamson
RCadayona (Pang-masa) - December 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Huling nakapasok ang Adamson Falcons sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament noong 2011 sa ilalim ng pamamahala ni coach Leo Austria.

Kahapon ay opisyal nang hinirang ng Falcons si Franz Pumaren bilang kanilang bagong head coach para sa susunod na 79th season ng collegiate league.

Bitbit ni Pumaren ang mabigat na kredensyal matapos ihatid ang La Salle Green Archers sa apat na sunod na UAAP titles simula noong 1998 hanggang 2001 at muling nagkampeon noong 2007.

Naging bench tactician siya ng Air21 Express sa Philippine Basketball Association.

Pinalitan ni Pumaren, naglaro sa PBA para sa San Miguel, sa bench ng Falcons si interim seniors coach Mike Fermin na nabigong ihatid ang tropa sa Final Four ngayong season.

Bukod kay Pumaren, ang iba pang ikinunsidera para gaba-yan ang Falcons ay sina dating San Beda coaches Frankie Lim at Ronnie Magsanoc at juniors mentor Goldwin Monteverde.

Sisimulan ni Pumaren ang pagsasanay ng San Marcelino-based team sa Enero ng susunod na taon.

ADAMSON FALCONS ANG FINAL FOUR FRANKIE LIM FRANZ PUMAREN GOLDWIN MONTEVERDE LA SALLE GREEN ARCHERS LEO AUSTRIA MIKE FERMIN PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION PUMAREN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with