Globalport lumakas ang tsansa Painters pasok na sa quarter finals
(Pang-masa) - November 29, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos ang nagdedepensang San Miguel at Alaska ay ang Rain or Shine naman ang sumikwat ng isang quarterfinals seat.

Ito ay matapos gibain ng Elasto Painters ang dating mainit na Ginebra Gin Kings, 94-86 sa likod ng 10-points ni Jeff Chan sa fourth quarter para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“It’s a good place to be but we still have a tough schedule ahead of us,” sabi ni coach Yeng Guiao.

Tumapos si Chan na may 19 points para sa Rain or Shine kasunod ang 16 ni Jericho Cruz at 13 ni Fil-Nigerian rookie Guard Maverick Ahanmisi.

Nagwakas naman ang tatlong sunod na arangkada ng Ginebra, nakahugot ng 22 markers kay Japeth Aguilar, 19 kay Greg Slaughter at 11 kay Mark Caguioa, para sa kanilang 4-4 baraha.

Sa unang laro, nagtuwang sina guards Terrence Romeo at Stanley Pringle para tulungan ang Globalport sa 120-105 paggupo sa Blackwater at palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

Tinapos ng Batang Pier ang kanilang two-game skid para ilista ang 4-3 kartada, habang nalasap ng Elite ang kanilang ikaanim na kabiguan.

Nagdagdag si Doug Kramer ng 16 points at 15 boards para sa Batang Pier na ipinoste ang 115-89 sa huling 3:32 minuto ng fourth quarter. (RC)

ANG BATANG PIER DOUG KRAMER ELASTO PAINTERS GINEBRA GIN KINGS GREG SLAUGHTER GUARD MAVERICK AHANMISI JAPETH AGUILAR JEFF CHAN JERICHO CRUZ MARK CAGUIOA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with