Azkals hihirit ng tsansa sa No. 3

MANILA, Philippines – Nagposte ng magkahiwalay na pa­nalo ang North Korea at ang Uzbe­kistan para sa kanilang agawan sa Group H honors sa 2015 FIFA World Cup Qua­lifiers.

Dahilan dito ay tuluyan nang nasi­bak ang Philippine Azkals sa laba­nan para sa korona.

Sinabi ni team manager Dan Pala­mi na ang puwesto sa ikatlo ang ta­nging habol na lamang ng Azkals pa­ra makalaro sa Asian Cup qualifying.

“The goal is still there - to be pla­ying in the Asian Cup,” sabi ni Pala­mi sa hangarin ng Azkals.

May 7 points ang Azkals na naka­lasap ng 0-2 kabiguan sa Yemen no­ong nakaraang linggo.

Kahit talunin ng Azkals ang Uz­be­kistan at ang North Korea sa Marso ay hindi na rin sila makakahabol pa­ra sa Top Two seats.

Kaagaw ng Azkals para sa No. 3 berth sa Group H ang Bahrain (6 points) na gagarantiya ng tiket sa  third round ng AFC Asian Cup Qua­li­fiers.

Tinalo naman ng North Koreans ang Bahrain sa Kim Il Sung Stadium sa Pyongyang, 2-0, habang pinadapa na­man ng Uzbekistan ang Yemen, 3-1, para sa kanilang 15 points. (OL)

Show comments