La Salle pinigil ang Ateneo sa pagpasok sa semifinals

MANILA, Philippines – Diniskaril ng De La Salle University ang pagmartsa ng Ateneo De Ma­nila University sa se­mifinals ng 78th UAAP wo­men’s beach vol­leyball tournament.

Umiskor sina Cyd De­mecillo at Kim Fajardo ng Lady Spikers ng come-from-behind win, 11-21, 21-16, 15-12, laban kina Alyssa Valdez at Bea Tan ng Lady Eagles kahapon sa Sands SM By The Bay.

Itinaas ng La Salle ang kanilang baraha sa 3-2 at ipi­nalasap sa Ateneo ang una nitong kabiguan sa li­mang laro.

Nauna nang tinalo nina Valdez at Tan sa morning session sina Mylene Paat at Jessica Galanza ng A­damson University, 21-13, 21-15.

Ipinoste naman ng Far Eastern University ang 3-1 marka nang talunin nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sina Jaja Santiago at Jasmine Nabor ng National University, 21-12, 21-12.

Nakabawi ang nagde­depensang University of Santo Tomas sa kabiguan nang biguin sina 2014 MVP Cherry Rondina at Rica Rivera sina Arianne Estranero at Vina Alinas ng University of the Phi­lippines, 21-12, 21-15.

Matapos ito ay tinalo naman nina Rondina at Ri­vera sina Judith Abil at An­ge­lica Dacaymat ng Uni­versity of the East, 21-3, 21-4.

Show comments