_pang-masa
^

BEST Center 3-on-3 sa Nob. 15 na

(Pang-masa) - October 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Matapos ang higit sa tatlong dekadang pagdaraos ng mga clinics na dumiskubre sa mga top basketball superstars ng bansa, mag-oorganisa naman ang multi-awarded na Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) ng 3x3 basketball tournament sa susunod na buwan.

Inihayag ni Best Center founding president at da-ting national coach at player Nicanor Jorge na idaraos ang Best Center-Fiba 3-On-3 Tournament sa Nobyembre 15 sa Ateneo College Covered Courts kung saan higit sa 500 players na may edad 15-an-yos pababa at 12-anyos pababa mula sa Manila, Pampanga, Pangasinan, Baguio, Lucena at ilang probinsya ang lalahok.

Sinabi ni Jorge na ang event ay bukas din sa lahat ng koponan. Maaari silang tumawag sa Best Center office sa 372-30-65 at sa 4116260 kung gusto nilang sumali.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga lahok ay sa Oktubre 25.

“This is our biggest project yet,” sabi ni Jorge. “3-On-3 is now the most popular urban sport in the world nowadays, according to an International Olympic Committee (IOC) survey. It is now being considered for inclusion as a regular sport in the Olympics.”

Itatampok ng Best Center sa event ang dalawang age groups--15 at 12-Under na magtatampok sa 128 koponan (64 teams per age group), na may tig-apat na player.

ANG ATENEO COLLEGE COVERED COURTS BASKETBALL EFFICIENCY AND SCIENTIFIC TRAINING CENTER BEST CENTER BEST CENTER-FIBA CENTER INIHAYAG INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE ITATAMPOK JORGE NICANOR JORGE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with